Mga mata'y dilat, ngunit kadiliman
ang tanging natatanaw, bumabalot sa buong kapaligiran.
Walang halakhak, walang hinagpis
walang haplos na tumatagos sa puso.
Sumigaw man o tumayo't tumakbo
kadiliman pa rin ang huling hantungan.
Ibig mang limutin at ilibing sa lupa
mga ala-alang minsang nagwasak ng nakaraan
iniwang pira-piraso, hindi na muling mabubuo.
Mangangarap pa bang sa hinaharap
mga matang dilat, may matatanaw na liwanag?