Kahit ang nagbabagang bola ng apoy
sa kalangitan ay natatago ng maitim na anino
na kahit anong subok iyong kaluluwa ay maaninag
lahat ay nauuwi sa kawalan.
Ikaw ay huminto at makinig
sa bawat tibok ng mga pusong naghahanap sa iyo.
Mga ala-alang sumira at gumiba
sa iyong pagkatao ay lipulin at isantabi
sapagkat ang nakaraan ay nagdaan
at ang hinaharap ay paparating.
Ngayon ay idilat iyang mga mata
at tanawin ang liwanag.